Martes, Pebrero 10, 2015

Anak  Pawis
Ni : Jomar Guray

Sa aking pagsilang sa lupit na pakikitalad,
mga mayayamang piping saksi sa mga mahihirap.
Anak pawis akong namulat sa aking kinalalagyan.
Sa bawat hinagpis, sa bawat dalangin,
Sa aking inaabot na pangarap.
Tulad ng iba na mayroong sapat na barya
Mga simpleng bagay na nagpapalakas sa aking dalita
Subalit walang silbi kung hindi ito pinahahalagahan.
Labis na sakit ang aking nadarama
Tulad ng iba na may sapat na barya
Hindi manlang madinig ang tinig ng iba.
Darating din ang panahon sa aming mga anak pawis
Sa pagsapit ng araw  kami din ay aahon

Hindi ipagpapalit ni maging sa sa gintong di-hamak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento